Opisyal na iniurong ng actor-producer na si Joed Serrano ang kandidatura niya bilang senador sa darating na halalan sa Mayo 2022.

Nagpakatotoo lamang daw si Serrano na hindi niya kayang bunuin ang kinakailangang campaign budget na ₱800 milyon para sa kaniyang kandidatura, na ang adhikain ay maging boses ng kapakanan ng mga miyembro ng LGBTQIA+ community.

Ayon sa kaniyang Facebook post nitong Disyembre 15, "Di ko kayang mangako nangg di totoo para lang makapuntos ng palakpak at papuri sa mga taong umaasa at naniniwala pero after ng election nganga kasi nabola sila! Ayokong baguhin ang sarili ko para lang maging pulitiko! I will just continue to be a happy person & to be happy for all!"

Matatandaang isa si Joed sa mga showbiz people na naghain ng Certificate of Candidacy o COC sa Comelec noong Oktubre.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Joed Serrano (Screengrab mula sa FB/Joed Serrano)

“Nandito po ako para bigyan ng pansin, ng halaga, ng karapatan at isulong ang equality ng mga kauri ko. Tama po ang narinig ninyo… kauri ko ang sandatahang kabaklaan. Ako po si Joed Serrano, tumatakbo bilang senador. And I guess, I’ll be the first aspirant candidate to be very vocal na ako po ay isang bakla,” saad niya sa maiksing talumpati matapos ang paghahain ng COC.

“Pasensiya po, kasi, mukhang nakalimutan ninyo kami. Walang plano, walang puwang, wala man lang advocacy sa aming mga bakla. Pero minsan pong narinig ko kung totoo man, na may nagsabing… masahol daw ang mga bakla sa hayop,” sabi pa niya na pinasaringan ang presidential aspirant na si Senator Manny Pacquiao.

Ipinaliwanag naman ni Joed kung bakit kinailangan niyang umatras sa kaniyang kandidatura.

“ ₱800 million daw ang kakailanganin ko para sa kampanya, na sa bandang huli ang ginastos ay babawiin lang sa taumbayan ‘pag nakaupo na," aniya.

“Hindi kaya ng aking kalooban ang laro ng pulitika kung saan ang mga tao ay sanay magbitaw ng mga pangako na sa huli ay napapako lamang. Ayokong baguhin ang sarili ko at sa huli ay tawagin lang mambobola,” dagdag pa niya.

May be an image of 1 person and text that says 'I withdraw from the senatorial race coz ayokong maging
Joed Serrano (Larawan mula sa FB/Joed Serrano)

Napag-isip-isip ni Joed na mahirap palang umakbo nang walang partido dahil sa laki ng magagastos sa kampanya. Gayunman, hindi naman daw ibig sabihin nito na titigil na siya sa serbisyo-publiko, lalo na sa kapakanan ng LGBTQIA+ community.

Umaasam pa rin siya na balang araw ay matutuloy na ang kaniyang lubusang pagsabak sa mundo ng politika, kapag may sapat na budget na.

“Sa tamang panahon, alam ko na maaaring pasukin ko rin ang mundo ng pulitika. ‘Di man ngayon, pero maaring bukas makalawa o sa panahong kawayan uli ako ng mas malakas na tawag ng serbisyong totoo at paglilingkod,” aniya.