Hinikayat ni Education Secretary Leonor Briones ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa coronavirus disease (COVID-19) dahil dito nakasalalay ang muling pagbubukas ng mga pisikal na klase sa buong bansa.

Sa pahayag na inilabas nitong Martes, Disyembre 21, nagpahayag si Briones ng pag-asa para sa patuloy na pagpapalawak ng limited face-to-face classes. Lubos din niya hinimok ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak dahil “nakasalalay ang pagbubukas ng face-to-face classes sa resulta ng kampanya ng pagbabakuna.”

Nagpahayag din si Briones ng pag-asa na patuloy na mapalawak ng DepEd ang pagpapatupad ng limitadong face-to-face classes dahil mas maraming Pilipino na ang nabakunahan sa tagumpay ng COVID-19 Vaccination Days.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Larawan mula Department of Education (DepEd)

Sa pagbanggit sa datos ng gobyerno, sinabi ng DepEd na 10,254,560 COVID-19 vaccines ang naipamahagi sa buong bansa sa limang araw na pagbabakuna mula Nob. 29 hanggang Dis. 3 at naitala pa ang pinakamataas nitong five-level average mula noong Marso na may arawang jab rate na umaabot sa 2.05 milyon sa mga nakalipas na linggo.

Ipinagpatuloy din ng gobyerno ang ikalawang round ng “Bayanihan, Bakunahan” mula Disyembre 15 hanggang 17.

“Kaya kami ay tuwang-tuwa and it’s a great honor for us to work with Secretary Duque and Secretary Galvez and Vince [Dizon] sa kampanyang ito kasi ang success ng education is very dependent on the health of our children and we need to protect our children hindi lamang iyong 12-17 years old na mga bata, pero lahat including the parents themselves,” sabi ni Briones.

Simula nang ipatupad ang muling face-to-face classes noong Nob. 15 sa ilang piling eskwelahan sa bansa, binanggit ni Briones na mayroong “great interest” sa pagbubukas ng mga in-person session hindi lamang sa mga low risk areas kundi maging sa mga urban areas kagaya ng Metro Manila, Region 1V-A at iba pang malalaking lungsod na may mataas na enrolment.

Umaasa si Briones na aabante ang DepEd sa 2020 pagdating sa muling pag-arangkada ng face-to-face classes.

Merlina Hernando-Malipot