Itinakda ng maimpluwensiyang Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) ang mga araw ng Disyembre 25 at 26 bilang national days of prayer para sa mga pamilyang nabiktima ng bagyong “Odette."

Kaugnay nito, nanawagan din ang mga opisyal ng CBCP sa mga diyosesis ng Simbahang Katolika na ilaan ang mga naturang araw para manalangin para sa recovery ng mga komunidad na naapektuhan ng bagyo.

Hinikayat rin ang CBCP na magdaos ng second collection sa lahat ng mga banal na misa sa mismong araw ng Pasko at sa kasunod nitong araw para sa mga typhoon victims.

Ayon kay CBCP president at Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, ang “Alay Kapwa Solidarity Fund” ay gagamitin para sa collective emergency response ng simbahan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ire-remit aniya ng mga ito ang kanilang makokolektang donasyon sa Caritas Manila na siyang social action arm ng simbahan.

“We encourage everyone to remit all collections to Caritas Philippines that will then plan and implement our overall response,” pahayag pa ni David.

Ang Caritas naman ay regular ding magkakaloob ng ulat at updates sa mga diyosesis.

“May this season of giving offer us more opportunities to do consistent acts of Alay Kapwa,” aniya pa.

Anang national Caritas, may 10 dioceses sa Visayas at Mindanao regions ang matinding naapektuhan ng bagyo. 

Mary Ann Santiago