Nanawagan ng tulong si Vice President Leni Robredo para sa mga residente ng Dinagat Islands na kasalukuyang nahaharap sa paliit nang suplay ng pagkain at tubig, at kawalan ng linya ng kuryente at komunikasyon.

“Kailangan na kailangan po ng Dinagat Islands yung tulong natin,” ani Robredo sa ibinahagi niyang update sa sitwasyon ng probinsya matapos manalasa ang bagyo noong Huwebes, Dis. 16.

“Naiyak po kami paglapag pa lang namin nung nakita namin ang kalagayan nila. Wasak na wasak halos lahat pati ang provincial capitol na binisita pa lang namin two years ago,” dagdag ni Robredo.

Sa isang video na ibinahagi ng Office of the Vice President sa midya nitong Lunes, nag-iwan ng matinding pinsala ang Bagyong Odette mula sa mga nagtumbahang poste at mga puno, mga natuklap na bubong ng kabahayan, hanggang sa malalang pinsala sa kapitolyo ng probinsya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sabi ni Robredo, “almost all their belongings were drifted away by the typhoon.”

“Maraming lugar ang hindi pa madaanan ng sasakyan dahil sa mga natumbang poste ng kuryente at mga kahoy. Kinailangan po kaming sumakay sa motorsiklo para lang makaikot,” aniya.

Lumipad patungong Bohol ang presidential aspirant nitong Biyernes, Disyembre 17, upang suriin kung paano higit na matutulungan ng kanyang tanggapan ang mga komunidad na tinamaan ng bagyo sa lalawigan.

Nauna nang binisita ni Rorbedo ang mga lalawigan ng Surigao, Dinagat Islands at Southern Leyte.

Betheena Unite