Walang malay na nang matagpuan sa tinutuluyan nitong hotel sa Sapporo ang voice actress na si Sayaka Kanda, 35, mula sa Japan.

Sinubukan pang dalhin si Kanda sa ospital ngunit kinumpirma rin ang kamatayan nito.

Kasalukuyang ini-imbestigahan ng pulisya ng Hokkaido ang detalye ng kanyang pagkamatay.

Kasalukuyang nasa Sapporo si Kanda upang puntahan ang isang musical na kanya namang pinagbibidahan, kaya naman lubhang ikinagulat ng kanyang taga-suporta ang balita.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline

Ayon sa "Yahoo News Japan," natagpuan ang katawan ng aktres sa ika-14 na palapag ng hotel, ngunit pagkukumpirma ng kapulisan sa pamamagitan ng fire brigade department na posibleng nahulong ang aktres mula sa ika-20 palapag hanggang 14.

Matatandaang nakilala ang aktres sa pagvo-voice acting nito sa mga anime series na Sword Art Online franchise, Air Bound, Convenience Store Boy Friends gayundin bilang si "Anna" nang i-dub sa Japanese ang palabas na Frozen.