Umabot na sa 208 ang nasawi sa paghagupit ng bagyong 'Odette' sa Visayas at Mindanao kamakailan.

Ito ang naiulat ng Philippine National Police (PNP) nitong Lunes, Disyembre 20, matapos madagdagan ng 39 pa ang naitalang namatay sa kalamidad sa nakaraang 12 oras.

Sa datos ng PNP, nasa 52 pa ang naiulat na nawawala habang 239 naman ang nasugatan.

Ipinaliwanag ng PNP na batay lamang ito sa natanggap nilang datos mula sa pulisya sa mga lalawigang sinalanta ng bagyo sa mga nabanggit na rehiyon.

Probinsya

Tatay na patungo sanang Negros para sa anak na may sakit, nawawala!

Binanggit ni PNP spokesman Col. Rhoderick Alba, nahihirapan sila dahil naputol ang kanilang komunikasyon sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.

Nilinaw naman ng opisyal na kinukumpirma pa ng Department of Health ang naiulat na bilang ng mga nasawi.

Aaron Recuenco