Nakapagtala ang Muntinlupa City government ng anim na aktibong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa gitna ng banta ng mas nakahahawang Omicron variant.

Sa huling datos noong Disyembre 19, naitala ng Muntinlupa City Health Office (CHO) ang dalawang pasyente na gumaling sa COVID-19, walang bagong kaso, at walang nasawi sanhi upang bumaba sa anim ang aktibong kaso mula sa walo noong nakaraang araw.

Umabot na sa 27,600 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19;  27,015 naman ang mga gumaling, at 579 na namatay dahil sa sakit simula pa noong nakaraang taon.

Sa siyam na barangay sa Muntinlupa, lima na ang walang aktibong kaso ito ay ang Barangay Putatan, Bayanan, Alaban, Buli, at Sucat.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Gayunman, mayroong dalawang aktibong kaso ang Bgy. Poblacion, Ayala Alabang, at Cupang habang isang aktibong kaso naman sa Tunasan.

Samantala, ngayong Disyembre 20, naitala ng Department of Health ag ikatlong kaso ng Omicron variant sa bansa. Ang bagong kaso ay isang 36-anyos na lalaki na isang returning overseas Filipino.

Pinaalalahanan ng Muntinlupa City government ang publiko na obserbahan ang minimum public health standards.