Dahil na rin sa laki ng populasyon at pag-usbong ng komersyo sa Metro Manila, nagiging problema na rin ang tambak na basura na isa rin sa pangunahing rason ng malawakang pagbaha sa maraming lugar sa rehiyon. 

Ipinaliwanag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), bilang isang responsableng mamamayan, malasakit at tamang pangangalaga sa kalikasan ang susi para maiwasan ang pagbaha. 

Sinabi pa ng ahensya, dapat matuto ang publiko na magtapon ng mga basura, kahit hindi sa atin, sa tamang lugar.

Pinayuhan din ng ahensya ang publiko na magpatupad ng waste segregation para sa maayos na pagtatapon ng basura.

Metro

Mga deboto ng Jesus Nazareno na nangailangan ng atensyong medikal, pumalo sa 900<b>—Red Cross</b>

Bella Gamotea