Usap-usapan ngayon sa social media ang mga kumakalat na litrato nina Direk Paul Soriano, vlogger-actress-TV host Alex Gonzaga, at komedyanteng si Brod Pete, na nasa headquarters ni presidential aspirant at dating senador Bongbong Marcos o mas kilala bilang BBM, sa tila isinagawang Christmas gathering nito.

Umani ng batikos sa mga netizen ang post mula sa 'Team Bongbong Marcos' sa Twitter kung saan tila may event na idinaos si BBM, at nai-post ito noong Disyembre 16, sa sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Odette sa Kabisayaan.

"TINGNAN: Spotted sa Headquarters ni Presidential aspirant Bongbong Marcos sina Paul Soriano, TV actress/host at vlogger na si Alex Gonzaga at Herman Salvador o mas kilala sa tawag na Brod Pete. #BBM2022," ayon sa caption.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Agad namang nilinaw na ang naturang event ay naganap noong Disyembre 14, bago pa man ang paghagupit ng bagyo.

"FACT CHECK: Ang mga litrato na kuha kasama ni presidential aspirant Bongbong Marcos sina tv host/actress at vlogger na si Alex Gonzaga at actor na si Brod Pete ay kuha pa lamang noong Disyembre 14, 2021. Bago pa man tumama ang Bagyong #OdettePH," ayon sa tweet ng Team Bongbong Marcos.

Samantala, nanawagan naman ang ilang mga netizen na i-boycott o ipa-cancel sina Direk Paul Soriano, Alex Gonzaga, at Brod Pete dahil sa pagsuporta ng mga ito kay BBM. Nadawit din dito ang TV host-actress-vlogger na si Toni Gonzaga.

"Boycott the Gonzaga sisters YouTube account and upcoming movie. Toni and Alex don't deserve support and admiration. Popular artists who can't use their brains well."

"Nakakalungkot 'tong Gonzaga sisters, bible-bible pero support sa mga buwitre at mandarambong."

"Dapat di na lang kayo nag-post kung di na talaga kaya makansela, nakakahiya kayo. Sobra insensitive."

Samantala, may mga nagtanggol din naman sa kanila at sinabing may karapatan ang mga artista na mamili ng kandidatong susuportahan nila.

"Hayaan ninyong suportahan nila ang mga kandidatong napipisil nila. Nasa democratic country tayo. Wala na rin kayong pagkakaiba sa mga kinaaayawan ninyo, bakit ginigiit ninyo gusto ninyo?"

"IT'S THEIR CHOICE. WALA KAYONG PAKI. Bitter n'yo. Wawa sa inyo!"

"Daming alam, it's their choice. Akala ko ba may FREEDOM OF EXPRESSION? Freedom to choose. Iba-iba po tayo ng political views, lahat may K kung sino gustong suportahan."