Nasa kabuuang 321 Social Amelioration Program (SAP) beneficiaries ang nakatanggap ng 2nd tranche ng kanilang cash aid sa Navotas City nitong Lunes, Disyembre 20.

Ayon sa Facebook post ni Mayor Toby Tiangco nakatanggap ng mga residente ang kanilang second tranche matapos ang halos isang taon na pag-follow up sa  Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sinabi rin ni Tiangco na nasa 97 na resiente ang hindi nakapag-claim ng kanilang cash assistance.

Nanawagan din siya sa mga residente na mayroong problema sa kanilang cash aid na mag-walk in sa Huwebes, Disyembre 23.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Nanawagan po kami sa lahat ng may problema sa 2nd tranche ng Bayanihan 1 na wala sa kahit anong listahan na mag walk in po sa December 23, 1pm-5pm, sa Kapitbahayan Elementary School, para maharap ng DSWD NCR ang inyong problem," aniya.

“Paalala po na sa ilalim ng Republic Act No. 11469 o Bayanihan to Heal as One Act, Bayanihan 1 lang po ang may 2nd tranche. Samantala, sa Bayanihan to Recover as One Act, isang tranche lang po ang nakalagay para sa Bayanihan 2 at wala po itong 2nd tranche," dagdag pa niya.

Allysa Nievera