Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 263 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, nitong Lunes, Disyembre 20.

Batay sa DOH case bulletin #646, nabatid na sa ngayon, ang total COVID-19 cases sa bansa ay nasa 2,837,730 na.

Sa naturang kabuuang bilang, 0.3% na lamang naman o 9,592 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.

Sa mga active cases naman, 3,569 ang mild cases, 3,375 ang moderate cases, 1,797 ang severe cases, 473 ang asymptomatic at 378 ang kritikal.

National

ALAMIN: Mga paunang lunas para sa sugat na dulot ng paputok

Mayroon din namang 390 mga pasyente pa ang gumaling na rin mula sa sakit, kaya’t sa kabuuan, nasa 2,777,354 na ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 97.9% ng total cases.

Nakapagtala rin naman ang DOH ng 45 pasyente na namatay sa sakit.

Sa kabuuan, nasa 50,784 na ang COVID-19 deaths sa bansa o 1.79% ng total cases.

Mary Ann Santiago