Nasa kabuuang 1,062,100 doses ng Moderna vaccine laban sa COVID-19 ang dumating sa Pilipinas nitong Linggo ng hapon.
Ang naturang bakuna na donasyon sa bansa ng German government ay sakay ng Singapore Airlines na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)
“We have another example today how important vaccination is and I think the Philippines is on a very good way on its vaccination program and Germany is very happy to support the Philippines for the fantastic vaccination program,” pahayag ni German Embassy Economic Counsellor George Maue.
Kaagad namang nagpasalamat si Department of Foreign Affairs – Office of European Affairs Deputy Assistant Secretary Rosario Lemque sa Germany at iba pang European partners ng bansa na patuloy na nagbibigay ng bakunang donasyon sa Pilipinas.
PNA