Lima ang inaresto ng pulisya, kabilang ang isang high-value individual (HVI) matapos masamsaman ng ₱1 milyong halaga ng iligal na droga sa inilatag na buy-bust operation sa Barangay dela Paz, Antipolo City, nitong Lunes, Disyembre 20.

Kinilala ni Marikina City Police Station (MCPS) chief, Col. Benliner Capili, ang ikasiyam na HVI ng National Capital Regional Office (NCRPO) na si Jason Dalumpines, 21, taga-Brgy. Tumana, Marikina City.

Kasama rin niya na inaresto ng mga tauhan ng MCPS-Special Drug Enforcement nit (SDEU) at ng Antipolo City Police Station sina Cedrick Juanillas, 20; Joshua Gracilla, 22; Marco Beatriz, 21; at Kristina Reblora, 21.

Isinagawa ang anti-drug operation matapos matiktikan ng impormante ang pagtutulak ng iligal na droga ng mga suspek.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002

Khriscielle Yalao