Nagpasya ang 17 na alkalde ng Metro Manila na magbigay ng ayudang ₱100 milyon sa mga local government units (LGUs) na sinalanta ng bagyong 'Odette' sa Visayas at Mindanao kamakailan.

Sa pamamagitan ng isang resolusyon na pirmado ng mga alkaldeng miyembro ng Metro Manila Council (MMC), huhugutin ang naturang pondo mula sa savings ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). 

"We are going to prioritize local government units stricken by tropical cyclone wind signal number 4 of typhoon Odette,” sabi ni MMDA chairman Benhur Abalos.   

"This financial aid will help especially in this trying times. It's Christmas after all, a time of sharing and giving," ayon pa kay Abalos.

Probinsya

9-anyos na bata, patay matapos makuryente ng tinatayang 20 minuto

Bella Gamotea