Niyanig ng 4.7-magnitude na lindol ang Zambales nitong Linggo ng hapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Dakong 2:27 ng hapon nang maramdaman ang pagyanig na ang sentro ay nasa layong 9 kilometro hilagang kanluran ng  Masinloc, Zambales. Lumikha rin ito ng lalim na 29 kilometro.

Katamtamang pagyanig ang naramdaman sa Masinloc nang maitala sa lugar ang Intensity IV.

Apektado rin ng lindol ang Iba sa Zambales; Angeles City at Mabalacat sa Pampanga kung saan naramdaman ang Intensity III.

Probinsya

9-anyos na bata, patay matapos makuryente ng tinatayang 20 minuto

Bahagya namang naramdaman ang Intensity II sa Palauig, at Olongapo City sa Zambales; Quezon City; Makati City, Malabon City; at Mandaluyong City.

Naitala naman ang Intensity I sa Marikina City; Plaridel, Bulacan; Guagua, Pampanga; Dagupan City, Pangasinan; at Gapan City sa Nueva Ecija.

Walang inaasahang aftershocks ng naturang pagyanig.

Charie Mae Abarca