Inamin na nga ni Reina Hispanoamericana 2017 at Kapuso actress Winwyn Marquez na totoo ang mga haka-hakang buntis siya.

Sa media press conference na ginawa para sa pelikula niyang 'Nelia' na opisyal na lahok para sa Metro Manila Film Festival 2021, sinabi niya na nasa second trimester na siya ng kaniyang pagbubuntis. Ang ama ng kaniyang dinadala ay non-showbiz boyfriend.

“I am pregnant… Ang hirap din namang itago. I am actually in my second trimester. Medyo kabado kasi medyo hindi ako lumalabas masyado,” aniya.

Pareho raw silang masaya ng kaniyang non-showbiz boyfriend na magkaka-baby na sila.

Events

Willie nag-file ng COC, ibinunyag nag-udyok para tumakbong senador

"He’s just a private person… May part naman na amin lang. Pero happy kami na we’re blessed for something we’re grateful for.”

“Happy ako na finally nasabi ko na sa inyo… Ang hirap mag-lie.”

Sa kaniyang vlog na 'The Start of a New Chapter' isiniwalat ni Winwyn ang kaniyang panig kung bakit siya nawala.

"Hindi ko alam kung napansin ninyo, pero I took a break for some time, nagpahinga muna ako saglit… due to personal reasons, and syempre kasama na rin doon yung health reasons. I really want to share din sa inyo kung ano ang nangyari sa akin, so I made this video to explain what happened to me, and I just wanna show it in a formal video clip para ma-explain na rin sa inyo, so here it is," panimula ni Winwyn.

Sa video clip, ipinakita ni Winwyn ang video clip ng pagpunta nila ng non-showbiz boyfriend sa ospital upang magpacheck-up, hanggang sa aminin na niya sa mga magulang na sina Joey Marquez at Alma Moreno, gayundin sa mga malalapit na kaibigan, ang kaniyang pagbubuntis.

Naging positibo naman ang reaksyon at komento ng mga netizen dahil 29 taong gulang na rin naman si Winwyn kaya ayos na ayos na rin kung magkakaroon na siya ng sariling pamilya.

Matatandaang matagal nang kumakalat ang blind item ukol sa pagbubuntis ng isang beauty queen na nagdala ng karangalan sa bansa.