Aminado si Presidential aspirant at Vice President Leni Robredo na nakaramdam ito ng side effects matapos na magpa-booster shot.

Bukod sa lagnat, nakaramdam din umano ito ng panginginig ng katawan matapos turukan sa isang shopping mall sa Cubao, Quezon City nitong Biyernes bago lumipad patungong Bohol upang pangasiwaan ang relief operations para sa naapektuhan ng bagyong 'Odette.'

"Been receiving messages asking how I am after my booster shot yesterday morning. Heto, 2nd night na ng chills and 2nd day na din ng nararamdamang lagnat. Grabe din sakit ng ulo pero tonight lang nag umpisa. Nag every 4 hours ako ng paracetamol,” sabi ni Robredo.

Ibinahagi rin niya na Moderna vaccine ang ginamit sa kanyang booster shot at ang una at ikalawang turok niya noongAgosto ay AstraZeneca.

National

Bilang ng mga naputukan pumalo na sa 43, ilang araw bago ang Bagong Taon

“Wala ako noon naramdaman na side effects,” paliwanag nito kaugnay ng unang dalawang doses ng bakunang itinuroksa kanya.

Pagkatapos nito, kaagad namang nagtungosa Cebu si Robredo upang alamin ang sitwasyon ng mga nasalanta ng bagyo.

Nang makarating sa Cebu, kaagad ding binisita ni Robredo ang dalawang evacuationcenters sa lalawigan at nangakong makikipag-usap ito sa mga local officials upang maplanoang pagpapatayo ng mga bahay ng mga residenteng naapektuhan ng kalamidad.

Raymund Antonio