Humigit-kumulang 300 pamilya mula sa Barangay Payatas sa Quezon City ang may tatawagin ng sariling tahanan matapos lumagda ang lokal na pamahalaan at ang Manila Remnant Company Incorporated ng isang Deed of Sale agreement nitong Sabado, Dis. 18.
Pinahintulutan ng Deed of Sale ang pamahalaang lungsod na bilhin ang 20,000 square meters na lupain sa barangay kung saan itinayo ang mga bahay upang mabili ng mga pamilya sa murang halaga.
Ang kasunduan ay nilagdaan ni Mayor Joy Belmonte, Vice-mayor Gian Sotto, at G. Edgar Khron ng Manila Remnant Company Incorporated.
Nilagdaan din ng pamahalaang lungsod ang isa pang Deed of Sale agreement kasama ang Elizaveth Elsie Ng Et Al properties upang bilhin para sa 50 informal settler na mga pamilya sa Brgy. Old Balara ang 5,000 square meters na lupain kung saan matatagpuan ang kanilang mga tahanan.
Bibili pa ng dagdag na mga lupain ang lokal na pamahalaan upang pawiin ang pangamba ng mga pamilya na mapaalis sa kanilang mga tahanan, ani Belmonte.