Kasunod ng pagtatasa ng Department of Agriculture (DA), tinatayang aabot sa P127 milyong halaga ng mga agricultural products ang nalugi at napinsala sa halos 3,000 magsasaka matapos manalasa ang Bagyong Odette.

Bilang tugon, sinabi ni DA Secretary William Dar na magbibigay ng hindi bababa sa P852.47 milyong halagang tulong na handa at magagamit ng mga apektadong magsasakat at mangingisda.

Kabilang dito ang P500 milyong halaga ng Quick Response Fund para sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar, P148 milyon para sa binhi ng palay, P57.6 milyon para sa buto ng mais, PP44.6 milyong sari-saring gulay.

Ang mga apektadong magsasaka ay mula sa Western Visayas, at Caraga Region habang ang palay, mais at mga high value crop ang apektadong produkto sa ngayon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Bago ang bagyo, sinabi ng DAR na nakapagbigay sila ng babala sa mga magsasaka dahilan sa kabuuang 11,454 ektarya ng inaning palay mula sa mga Rehiyon ng MIMAROPA, VI, VIII, IX, XI at XIII na may katumbas na produksyon na 34,433 metric tons at nagkakahalaga ng P615.53 milyon.

Para naman sa mais, may kabuuang 2,452 ektarya ang naani mula sa Rehiyon IV-A, MIMAROPA, VIII, IX, XI at XIII na may katumbas na produksyon na 6,965 metric tons at nagkakahalaga ng P82.55 milyon.

Sa pamamagitan ng Regional Field Offices (RFOs) patuloy pang nagsasagawa ng pagtatasa ang ahenysa sa pinsala at pagkalugi sa sektor ng agri-fisheries.

Gayundin, ang koordinasyon mula sa iba’t ibang rehiyonal na tanggapan ng DA ay ginagawa upang matukoy ang epekto ng bagyo, gayundin ang mga magagamit na mapagkukunan para sa mga interbensyon at tulong.

Ani Dar, may P100 milyon sa ilalim ng Survival and Recovery (SURE) Assistance Program of the Agricultural Credit policy Council (ACPC); P1.64 milyong halaga ng fingerlings at tulong sa mga apektadong mangingisda mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR); P625,150 halaga mga gamot at biologic para sa livestock at poultry mula RFO V; at ang nakahandang pondo mula sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) ay gagamitin para maayudahan ang mga magsasaka.

Waylon Galvez