Nakapagtala na ang Philippine National Police (PNP) ng 169 na nasawi sa paghagupit ng bagyong 'Odette' sa Visayas at Mindanao.

Ito ay batay sa ulat na natanggap ng operations center ng PNP nitong Linggo ng gabi.

Kabilang sa mga ito ang 129 mula sa Central Visayas, 22 naman sa Western Visayas, 10 naman sa CARAGA Region, pito sa Northern Mindanao at isa sa Zamboanga Region.

Naiulat din ang 50 pang nawawala, kabilang ang 43 sa Central Visayas at pito sa CARAGA region.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Gayunman, ipinaliwanag ni PNP spokesperson Col. Rhoderick Augustus Alba, kinukumpirma pa nila ang naiulat na bilang ng mga nasawi.

Aaron Recuenco