Pinapaalalahanan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na iwasang uminom ng alak kung magmamaneho ng sasakyan.

Ang panawagang ito ng MMDA ay bunsod ng kabi-kabilang mga Christmas gatherings at parties na maaaring may kasamang inuman sa pagdiriwang. 

"Kung magmamaneho, huwag uminom ng alak!" apela ng MMDA.

Paalala pa ng ahensya na ipinatutupad ang batas na “Anti- Drunk and Drugged Driving Act” o Republic Act No. 10586 na ginawa para matiyak na ligtas ang mga nagmamaneho, pasahero, at mga pedestrian. 

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa ilalim ng batas na ito, ang sinumang mahuhuli na nagmamaneho na nasa impluwensiya ng alak o droga ay maaaring makulong ng 3-buwan at may multa na P80,000, at kapag may namatay ay makukulong at magmumulta ng P200,000 hanggang P500,000.

Binigyang diin ng MMDA na isipin ang sarili at ang ibang tao na maaaring madamay sa kapabayaan. 

Ayon pa sa MMDA maging responsable at disiplinado upang maka-iwas sa disgrasya.

Bella Gamotea