Nakapagtala na lamang ang Department of Health (DOH) ng 203 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, nitong Linggo, Disyembre 19.

Mas mababa ito kumpara sa 291 bagong kaso ng COVID-19 na naitala sa Pilipinas noong Sabado, Disyembre 18.

Batay sa DOH case bulletin #645, nabatid na sa ngayon, ang total COVID-19 cases sa bansa ay nasa 2,837,577 na.

Sa naturang kabuuang bilang, 0.3% na lamang naman o 9,729 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.

Metro

Ama ng estudyanteng tumalon sa LRT, 'di magsasampa ng kaso sa driver

Sa mga active cases naman, 3,685 ang mild cases, 3,379 ang moderate cases, 1,800 ang severe cases, 485 ang asymptomatic at 380 ang kritikal.

Mayroon din namang 395 mga pasyente pa ang gumaling na rin mula sa sakit, kaya’t sa kabuuan, nasa 2,777,109 na ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 97.9% ng total cases.

Nakapagtala rin naman ang DOH ng 64 pasyente na namatay sa sakit.

Sa kabuuan, nasa 50,739 na ang COVID-19 deaths sa bansa o 1.79% ng total cases.

Mary Ann Santiago