Ang "Ultimate Siren" ng Iligan City na si Mariane Osabel ang itinanghal na The Clash 2021 grand champion nitong Linggo ng gabi, Disyembre 19.

Matapos ang halos tatlong buwang pag-ere ng The Clash, ang Lanao del Norte native ang nagwagi sa titulong grand champion ng The Clash Season 4.

Sa pagpili ng final 2, matapang na inawit ni Mariane ang sikat na contest piece ni Beyonce na "Listen."

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Screengrab mula The Clash via Facebook live

Screengrab mula The Clash via Facebook live

Nakaharap ni Mariane ang pambato ng Pampanga na si Vilmark Viray matapos ipamalas ang pangmalakasang version nito ng kantang "It Will Rain" ni Bruno Mars.

Sa huling tapatan, inawit nina Mariane at Vilmark ang kanilang original songs.

Kinanta Vilmark ang awiting likha ni Christian Paul Rosa na "Umuwi Ka Na" na tinapatan naman ni Mariane sa kantang "Bakit Mahal Pa Rin Kita" na obra ni Harish Joya.

Sa huli, si Mariane ang itinanghal na kampyeon ng The Clash.

Screengrab mula The Clash via Facebook live

Naiuwi ng Iligan pride ang mga papremyong P1,000,000, house and lot na nagkakahalaga ng P2.3 milyon at exclusive GMA Artist Center management contract.

Ang The Clash ay isang reality singing competition na umeere sa GMA bawat Sabado at Linggo.

Kabilang sa judging panel ng programa ang OPM pillars na sina Asia's Nightangle Lani Misalucha, Asia's Balladeer Christian Bautista at ang award-winning comedienne-actress na si Aiai Delas Alas.