Isa pala si Queen of All Media Kris Aquino at fiance na si Mel Sarmiento sa mga nakaranas ng hagupit ni bagyong Odette dahil nasa Boracay sila ng mga panahong mangyari iyon.
Ayon sa kaniyang latest Instagram post, ipinasya ng love birds na sina Kris at Mel na gawin na ang kanilang pre-Christmas break. Kalakip nito ang video na kinunan niya mula sa kanilang hotel room kung saan mapapanood ang malakas na ulan sa Boracay.
"It was my desire to keep our pre Christmas break very private. Mel & I left December 9 with every intention of being back December 17. Ang tagal pinagplanuhan kung saan pupunta. Walang available in Bataan or Zambales. We could be accommodated in Boracay (thank you @discoveryshoresboracay & @theauhanaboracay) pero problema namin yung air travel because of my compromised immunity. Sadly, my weight had dropped below 90 lbs," kuwento ni Krissy.
Saad niya, kahit na nakabakasyon sana ay mas inisip pa rin nila ang makatulong sa mga biktima ng bagyo.
"Ayoko pong isipin ninyo na dedma ako sa pinagdadaanan ng mga kapwa nating Pilipino dahil sa napakalakas at bagsik ng bagyong #Odette."
Non-stop umano ang kaniyang komunikasyon sa mga kaibigan upang magpaabot ng tulong kahit masama ang pakiramdam.
"Hindi na po ako magdedetalye pero nonstop ang communication ko sa mga kaibigan kung paano makakatulong. Maraming salamat sa @puregold_ph dahil natulungan akong magbigay sa kaibigan na may paraan para ipaabot ang aking pamaskong pagbahagi sa area nila sa Mindanao."
Pati ang mga kaanak ng fiance na si Mel ay naapektuhan din ng malakas na bagyo.
"Salamat sa @snr_official, @smsupermalls and @stweets sa pagtulong sa amin para mapakumpleto ang necessities para sa mama at mga pamangkin ni Mel na walang kuryente, nasiraan ng generator, walang tubig at para magkasignal umaakyat sa rooftop ng bahay nila."
"Paubos na rin po ang gasolina sa Cebu. Kaya grabe ang iniiyak ng puso ko para sa mga nawalan ng lahat."
Ibinida rin ni Krissy na matagal na silang magka-tandem ni Angel Locsin sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad. Pinuri din ni Kris sina VP Leni Robredo at Senador Manny Pacquiao dahil sa pagkakaisa nilang dalawa sa paghahatid ng tulong.
Matagal na kaming tandem ni @therealangellocsin pag ganitong may kalamidad at araw araw kaming nag-uusap kung paano ba makakatulong. Kinukulit namin ni alvin si Ina ni vp @lenirobredo.
5 AM kanina magka text kami ni VP Leni. Saludo ako sa kanya at kay Senator @mannypacquiao dahil nagkaisa sila para mas maraming matulungan. Finally makakauwi na, at mas marami nang magagawa.
Hihingi na ko ng paumanhin. Marami po akong na order na @enjoyglobe GCash special na Kris cards (kagaya po nung napagawa ko sa @shopeepay_ph)- naisip ko na ito yung perfect na pang regalo. Uunahin ko po muna yung talagang MOST IN NEED. Bawi po ako sa inyo bago na lang ako mag birthday."
May mensahe naman siya para sa lahat ng mga Pilipino, nasalanta man o hindi ng bagyo.
"God bless the Philippines during yet another crisis. Sana wag tayong mawalan ng pag-asa dahil pabangon pa lang, knockout na naman. Bawal ang sumuko dahil hindi tayo pababayaan ng magbibirthday sa December 25."