Mahigit 65 milyong Pilipino ang karapat-dapat na bumoto sa Halalan 2022, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Batas sa datos ng Comelec, mayroong 65,745,529 na rehistradonng botante sa buong bansa para sa Halalan 2022.
Noong Halalan 2019, 61,843,771 ang rehistradong botante sa buong bansa.
Ang rehiyon na may pinakamataas na bilang ng mga rehistradong botante ay ang Calabarzon na may 9,193,096. Sinundan ito ng National Capital Region (NCR) na may 7,322,361.
Samantala, naitala naman ng Cordillera Administrative Region ang pinakamababang bilang ng mga rehistradong botante na may 1,077,900.
Kung maaalala, natapos ang panahon ng pagpaparehistro ng mga botante noong Oktubre 30.
Narito ang kabuuang bilang ng mga rehistradong botante sa bawat rehiyon:
Cordillera Administrative Region:1,077,900
Ilocos Region:3,546,764
Cagayan Valley:2,312,798
Central Luzon:7,289,791
National Capital Region:7,322,361
Calabarzon:9,193,096
Mimaropa:1,991,599
Bicol Region:3,910,261
Western Visayas:5,026,482
Central Visayas:5,249,066
Eastern Visayas:3,166,262
Zamboanga Peninsula:2,298,930
Northern Mindanao:3,060,485
Davao Region:3,236,251
Soccsksargen:2,606,492
Caraga Region:1,868,798
Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao:2,385,359
Analou de Vera