Nanawagan si Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga electric cooperative sa Luzon at Mindanao na nakaligtas sa pananalasa ng Bagyong Odette na magpadala ng tulong sa mga apektadong lugar para sa agarang panpapanumbalik ng kanilang suplay ng kuryente.

“In the spirit of unity, I appeal to all coops who were not affected by the onslaught of the typhoon to help in restoring electric power in the areas badly hit by the calamity so we can all have a brighter Christmas,” ani Marcos Jr. sa isang pahayag.

Para sa kanya, dapat umanong magpadala ng mga lineman at kagamitan sa mga apektadong lalawigan.

Naniniwala ang presidential aspirant na uusbong ang bayanihan ngayong panahon ng kagipitan.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“We have been to a lot of challenges as a nation in the past, and each time, our spirit of ‘pagkakaisa and bayanihan’ kept us together. We will persevere and we will get through this stronger and more unified,” sabi nito.

Mahigit tatlong milyong Pilipino, ayon kay Energy Undersecretary Wimoy Fuentabella ang nawalan ng suplay ng kuryente matapos ang pananalasa ng Bagyong Odette. Nasa 490,000 sa kanila ay mula Visayas habang ang natitirang bahagi ay mula sa Mindanao.

Joseph Pedrajas