Binanatan ng Party-list group Bayan Muna sa pangunguna ni dating Rep. Neri Colmenares ang administrasyong Duterte nang sabihing wala nang pondo ang gobyerno para tulungan ang mga biktima ng Bagyong 'Odette,' gayong ang Pilipinas ang isa sa pinakamalaking mangungutang o borrower sa World Bank.

“It’s impossible to think that this administration has no more budget for aid to typhoon victims, considering that the Philippines is the World Bank’s biggest borrower,” bira ni Bayan Muna chairperson Neri Colmenares.

Noong Biyernes, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya ay naghahanap pa ng mga pondo para matulungan ang mga lalawigan na labis na pininsala ng bagyo dahil ang budget ng pamahalaan ay naubos na dahil sa Covid-19 pandemic.

“Ang pag-aming ubos na ang pondo ng gobyerno ay nagpapakita kung papaano pinaprayoridad ng Duterte Administration ang budget nito, laluna sa panahon ng krisis at kalamidad.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

"The country has a history of being ravaged by typhoons, and it should have the budget to mitigate and provide immediate relief even while responding to the pandemic", sabi ng dating mambabatas.”

Batay sa report, ang Pilipinas ay nakautang ng $3.07 bilyon mula sa World Bank para sa fiscal year 2021, mas malaki pa sa inutang ng India na $2.65 bilyon, na siyang biggest borrower para sa fiscal year 2020.Inihayag ni Colmenares na naging doble ang utang ng bansa o public debt sa halos P12 trilyon mula sa P5.9 trilyon sa pagsisimula ng administrasyon ng Pangulo.

Ayon sa kanya, ang bansa ay may calamity fund na sumasaklaw sa dalawang taon o fiscal years na may P20 bilyong budget para sa 2021.

“There are still funding sources for typhoon Odette victims, considering all the debt incurred in the past five years,” anang Bayan Muna leader.

Isang paraan aniya para maresolba ang problema sa pinansiyal ng Duterte administration ay i-realign ang budget mula sa iba't ibang ahensiya, gaya ng pagbibigay ng P17 bilyon sa kontrobersiyal na National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-Elcac) na dapat ay ibigay na lang sa mga biktima.

Samantala, ngayong Linggo, Nangako na si Pangulong Rodrigo Duterte na maglalabas ang gobyerno ng ₱2 bilyon para sa mga naapektuhan ng bagyong ‘Odette’ sa Visayas at Mindanao.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/12/19/%E2%82%B12b-itutulong-ng-govt-sa-odette-victims-malacanang/

Bert de Guzman