Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ahensya ng pamahalaan na magpatupad ng agarang tulong sa mga naapektuhan ng bagyong 'Odette' sa Visayas at Mindanao.

Kasabay ito ng pagtatalaga nito kay Department of Social Welfare Secretary Rolando Bautista bilang crisis manager para sa Siargao, Surigao at Dinagat Islands.

Inilabas ng Pangulo ang kautusan nang bisitahin nito ang iba't ibang probinsya sa Visayas at Mindanao na hinagupit ng bagyo.

Ipinaliwanag naman ni acting Presidential spokesperson Karlo Nograles na tutulungan ni Office of Civil Defense (OCD) administrator Undersecretary Ricardo Jalad si Bautista sa bago nitong hawak na trabaho.

National

Bilang ng mga naputukan pumalo na sa 43, ilang araw bago ang Bagong Taon

“Para mas mapadali natin 'yung pag-deploy ng food and non-food items– water, food supply, tents,” banggit ni Nograles nitong Linggo, Disyembre 19.

Aniya, naglabas ng maraming direktiba ang Pangulo upang matiyak na mabilis ang pagpapadala ng tulong sa mga bitima ng kalamidad.

“Ang utos nga ni Pangulo is use all government resources to ensure that all goods are delivered as soon as possible especially sa province ng Surigao del Norte at Dinagat Islands,” paliwanag pa ni Nograles.

Argyll Geducos