ILOILO CITY – Hindi bababa sa 416, 988 katao ang apektado ng Bagyong Odette sa Western Visayas.

Sa datos na inilabas ng Western Visayas Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (Western Visayas RDRRMC), binubuo ng 105,702 pamilya ang nasa 416,988 indibidwal.

Napag-alaman ng Western Visayas RDRRMC sa pamumuno ng Office of Civil Defense (OCD-6) na 1,377 na mga barangay sa Aklan, Antique, Iloilo, at Negros Occidental provinces gayundin ang highly urnanized na lungsod ng Iloilo at Bacolod ay apektado ng Bagyong Odette.

Pinakamalubhang naapektuhan ang lalawigan ng Negros Occidental dahil 147,017 katao ang naapektuhan ni Odette na nagdulot pa ng malawakang pagbaha.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa lalawigan ng Capiz, hindi bababa sa 96,502 katao ang naapektuhan.

Mayroon din sa 80,354 katao ang naapektuhan sa lalawigan ng Iloilo; 46,554 katao ang apektado sa Antique; 42,366 katao sa Aklan at 4,196 sa Guimaras sa pananalasa ng Bagyong Odette.

Batay sa pinakahuling datos, hindi bababa sa 3,700 na kabahayan sa buong Western Visayas ang nasira ni Odette. Ito ay binubuo ng 3,543 partially damaged houses at 160 totally damaged houses. Maaaring mas tumaas pa ang bilang dahil naghihintay pa rin ang Western Visayas RDRRMC ng pinagsama-samang ulat mula sa Negros Occidental.

Tara Yap