CAMP GEN. PACIANO RIZAL, Sta. Cruz, Laguna - Mahigit sa₱68 milyong halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasabat ng mga awtoridad matapos madakip ang tatlong umano'y drug pusher sa inilatag na buy-bust operation sa San Pedro City, Laguna kamakailan.
Ang tatlo ay kinilala ni Police Regional Office-4A director Brig. Gen. Eliseo Cruz na sinaAce Arciaga, 35, taga-Block 14, lot 45, Camachile St., South Fairway Homes, Landayan, San Pedro, Laguna;ShamewayneDarvin, 19, taga-180 Rosal St., Subd, Purok 3, Bayanan, Muntinlupa City, at Benz Gonzales, 21, taga-Purok 3, Block 3, Solema St, Bayanan, Muntinlupa City.
Sa police report, hindi na nakapalag ng mga suspek nang arestuhin ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), PNP-Drug Enforcement Group-Special Operations Unit (PDEG-SOU)-National Capital Region, Special Operations Unit SOU-4A, Regional Drug Enforcement Unit/Regional Special Operations Group (RDEU/RSOG)-4A, Drug Enforcement Unit,San Pedro City Drug Enforcement Unit ng Laguna Police Provincial Office, Regional Intelligence Unit (RIU)4A, PDEA-NCR, at PDEA 4A sa bahay ni Arciaga nitong Disyembre 17 ng gabi.
Kumpiskado ng mga pulis ang 10 kilo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng mahigit sa₱68 milyonatmarked money.
Nasa kustodiya na ngayon ng pulisya ang tatlo habang inihahanda na ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga ito.
Danny Estacio