Sinariwa ng tinaguriang 'Pop Rock Royalty' na si Yeng Constantino ang kaniyang pagsisimula sa music industry, na nagsimula noong 2006 bilang Grand Dreamer ng reality show/singing contest na Pinoy Dream Academy.

Simula noon ay tumatak na ang pangalan ni Yeng at hanggang sa kasalukuyan ay nariyan pa rin siya. Nitong Disyembre 16 ay nagmarka ang kaniyang 15 taon sa showbiz.

"Dec. 16, 2006 nang manalo ako sa Pinoy Dream Academy. 15 years na ko sa industry today at di nawawala sa puso ko ang pagpapasalamat na binigay ng Dyos na maging ganap ang aking mga pangarap. Isa lamang akong teenager noon na sumusulat ng kanta sa aking kuwarto at sa bubong ng aming bahay na katabi ng punong aratilis. Hahaha!" salaysay ni Yeng sa kaniyang Facebook post nitong Disyembre 17.

Relasyon at Hiwalayan

Julia sa pagmamahal ni Marjorie kay Gerald: 'I really appreciate it!

Screengrab mula sa FB/Yeng Constantino

"Sinong mag-aakala na aabot tayo sa ganito? Dahil 'yan sa inyo kaya maraming salamaaaat! Salamat dahil pinakinggan n'yo ang mga awitin ko. Salamat sa lahat ng mga sumuporta sa akin, salamat sa pagtitiwala n'yo sa talento ko. Habambuhay akong magpapasalamat sa inyo," aniya.

Pinasalamatan niya ang ABS_CBN, Cornerstone, at mga Yengsters, tawag sa kaniyang mga tagahanga at tagasuporta.

"Salamat sa ABS-CBN sa lahat ng oportunidad na binukas n'yo sa buhay ko!"

"Sa @cornerstone na hinubog pa ako lalo para mangarap pa nang mas mataas. Salamat!"

"Sa lahat ng Yengsters and silent fans na nakikinig pa rin sa akin ngayon di lang sa radyo kundi sa Spotify na rin, maraming maraming salamat!"

"Sa pamilya ko na buong puso ang suporta sa akin salamat. Mahal ko kayo."

"Apir, yakap at cheers sa mga bagong kanta pang ating pagsasamahan!"

May be an image of 1 person
Yeng Constantino (Larawan mula sa FB/Yeng Constantino)

May be a closeup of 1 person
Yeng Constantino (Larawan mula sa FB/Yeng Constantino)

May be a closeup of 1 person and standing
Yeng Constantino (Larawan mula sa FB/Yeng Constantino)

May be an image of 1 person and standing
Yeng Constantino (Larawan mula sa FB/Yeng Constantino)

May be an image of 1 person
Yeng Constantino (Larawan mula sa FB/Yeng Constantino)

May be an image of 1 person, standing, indoor and text that says 'T TBA STUDIOS STUM TB DIOS TBA STUDI ASTUDIOS TBA TB STUDI TB STUDI UDIOS TB TBA STUDI UDIOS'
Yeng Constantino (Larawan mula sa FB/Yeng Constantino)

Ilan sa mga tumatak na awitin ni Yeng simula nang manalo siya sa PDA ay 'Hawak-Kamay', 'Salamat', Time In, Cool Off, at 'Ikaw'.

Sa ngayon ay happily married siya kay Victor Asuncion.

Bukod sa singing career ay pinasok na rin ni Yeng ang pag-arte noong 2019 sa pelikulang 'Write About Love', isa sa mga entry sa Metro Manila Film Festival, at pinalad na masungkit ang parangal na 'Best Supporting Actress'.