Walong personalidad kabilang si Vice President Leni Robredo, unang Pilipinong Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz at Nobel Peace Prize laureate na si Maria Ressa ang kinilala ng JCI Batangas Balisong Awards 2021.

Matapos ang naganap na botohan nitong Setyembre, walong matatagumpay na Pilipino sa iba’t ibang larangan ang napili ng ikalawang Gawad Balisong Awards.

Ang JCI Philippines o dating kilala bilang Philippine Jaycees ay naitatag noong 1947. Binubuo ang non-profit organization ng mga aktibong miyembro sa edad na 18 hanggang 40 taong-gulang na may dedikasyon na makapag-ambag sa kanilang mga komunidad.

Ang kauna-unahang Olympic medalist sa kasaysayan ng Pilipinas na si Hidilyn Diaz ay kinilala bilang Outstanding Filipino Gamechanger for Sports; kilala naman si Vice President Leni Robredo at Pasig Mayor Vico Sotto para sa kanilang serbisyong publiko; pinarangalan sa kanilang kontribusyon sa digital media sina Dr. Kilimanguru at Ivana Alawi.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Tinanghal na Outstanding Filipino Gamechanger for Humanitarian Service ang aktres na si Angel Locsin at ang unang naglunsad ng community pantry sa bansa, si Ana Patricia Non.

Kinilala naman ng 2021 Balisong Awards si Nobel Peace Prize laureate Maria Ressa sa kanyang ambag sa larangan ng peryodismo.

Nitong gabi ng Biyernes, inanunsyo ng JCI Batangas Balisong ang mga nagwagi sa naturang parangal.