Hindi bababa sa 19 katao ang namatay habang mahigit 95,000 inidibidwal pa rin ang nananatili sa mga evacuation center matapos masira ang kanilang mga tahanan o lumubog sa tubig baha dulot ng bagyong “Odette” na nag-iwan ng malawakang pinsala sa Visayas at Mindano, pag-uulat ng Philippine National Police (PNP) nitong Sabado, Dis. 18.

Ayon kay Col. Rhoderick Alba, tagapagsalita ng PNP, na karamihan sa mga nasawi ay naiulat sa Western Visayas na may walo habang pito rin ang naiulat na namatay dahil sa bagyo sa Central Visayas. Apat pa ang naiulat sa Northern Mindanao.

Dagdag ng opisyal, apat na rin ang sugatan sa Central Visayas at tatlo sa Northern Mindanao.

HNasa 10,000 kapulisan ang ipinakalat sa ib’t ibang lugar na sinalanta ni ‘Odette’ upang tumulong sa pag-secure ng mga evacuation center, search and rescue at road clearing operations.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“Our regional police offices in areas directly hit by ‘Odette’ were ordered and reminded by the Chief PNP (Gen. Dionardo Carlos) to focus the assistance on search and rescue, clearing operations, relief operations and security in evacuation centers to ensure the observance of the minimum public health safety,”ani Carlos.

“Our CPNP also said that it continues to share its resources, vehicles and SRR Equipment to DRRMCs and LGUs. Our personnel on the ground are closely coordinating with their respective local government units,” dagdag nito.

Batay sa ulat, daan-daang lugar sa Visayas at Mindanao ang walang linya ng kuryente at komunikasyon.

Dahil ditto, ani Alba, hamon pa rin ang pagkuha ng detalye sa epekto ng bagyo.

“Based on the reports we have been receiving, reaching the affected areas are also challenging due to trees that were uprooted and electric posts that fell due to the strong winds,” sabi ni Alba.

Aaron Recuenco