Walang naitalang bagong kaso ng COVID-19 ang Pasay City habang nanatili sa apat ang aktibong kaso ng sakit, ayon kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano nitong Disyembre 18.

Ayon kay Rubiano, tinututukan ng mga doktor at nars mula sa City Health Office ang ang apat na aktibong kaso mula sa Barangay 40, 101, 183, at 197.

Sinabi rin ng alkalde na makakapagdiwang ng masayang Kapaskuhan ang lungsod ngunit inabisuhan nito ang mga residente na obserbahan ang mga basic health protocol.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists