Tatlumpu't-isa na ang naiulat na nasawi sa paghagupit ng bagyong 'Odette' sa Visayas at Mindanao.
Ito ang inihayag ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Sabado ng gabi.
Gayunman, nilinaw ni NDRRMC spokesperson Mark Timbal na 27 sa mga ito ang hindi pa nila nakukumpirma.
Apat sa mga ito ay kinilalang sina Rosalyn Caberte, 53, taga-Sambag, Iloilo City; Rudulfo Castro, 76, at Virginia Palencio, 62, kapwa taga-Sibunag, Guimaras; at Joemar Sumiling, 32, taga-La Carlota, Negros Occidental.
Si Caberte ay tinamaan ng bungkos ng kawayan na natumba sa kanyang bahay habang si Sumiling ay nadaganan ng natumbang puno ng mangga nang bumaba ito sa kanyang motorsiklo upang tanggalin sana ang mga nakaharang sa kalsada habang siya ay patungong La Carlota City.
Naipit naman sina Castro at Palenciong natumbang punongkahoysa kanilang bahay sa kasagsagan ng bagyo.
Naiulat na 16 sa mga ito ay naitala sa Cebu, partikular na sa Mandaue (7), Lapu-Lapu City (6), Cebu City (2), at San Francisco (1).
Isa naman ang naiulat sa Bindoy at apat sa Manjuyod sa Negros Oriental, lima naman sa Loon, Bohol habang isa namang 14-anyos na lalaki ang nasawi sa San Fernando, Bukidnon.