Patuloy na hinahangaan ngayon ang miniature Manila Cathedral ni Hanna Kaye Morales, 19 anyos, na isang Fine Arts student mula sa University of the Philippines Baguio.

Ang naturang miniature Manila Cathedral ay bahagi ng kaniyang class requirements para sa kanilang asignatura na may kinalaman sa kanilang kurso.

"It is the third plate requirement needed para sa Materials 1 class namin. This subject is headed by Ma’am Ides Josepina Macapanpan and we were asked to create a miniature within our region," paliwanag ni Morales sa panayam ng Balita Online.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

No photo description available.
Manila Cathedral (Larawan mula sa FB/Hanna Kaye Morales)

May be an image of castle and text that says '一'
Manila Cathedral (Larawan mula sa FB/Hanna Kaye Morales)

No photo description available.
Manila Cathedral (Larawan mula sa FB/Hanna Kaye Morales)

No photo description available.
Manila Cathedral (Larawan mula sa FB/Hanna Kaye Morales)

No photo description available.
Manila Cathedral (Larawan mula sa FB/Hanna Kaye Morales)

No photo description available.
Manila Cathedral (Larawan mula sa FB/Hanna Kaye Morales)

May be an image of train
Manila Cathedral (Larawan mula sa FB/Hanna Kaye Morales)

No photo description available.
Manila Cathedral (Larawan mula sa FB/Hanna Kaye Morales)

No photo description available.
Manila Cathedral (Larawan mula sa FB/Hanna Kaye Morales)

May be an image of indoor

Isang linggo umano ang ginugol niya sa pagpaplano ngunit ang aktwal na paggawa nito ay tumagal nang mahigit tatlong linggo.

"Tatlo lang ang main materials ko rito: popsicle sticks, barbecue sticks, at toothpicks. Yung popsicle sticks ay mainly para sa structure ng simbahan and the rest were for the finer details. I also used craft paper for the dome shaped parts of the church. The rest were wood fillers, adhesives, and battery-operated LED lights. Mahigit tatlong lingo ko siya natapos tapos isang linggong pagpaplano," aniya.

Ano ang mensaheng nais iparating ng artwork na kaniyang ginawa?

"It basically gives meaning and importance to the landmarks in our country. That it is about high time to give appreciation to our own structures that define the city or province and that there is beauty in our own landmarks as much as the others outside of the Philippines."

"And as for the craft, making the artwork with these wood pieces is not easy and a lot of hard work and dedication is really poured into it."

Nauna nang naging viral si Morales dahil naman sa kaniyang miniature barong-barong.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/09/kilalanin-si-hanna-kaye-morales-at-ang-kaniyang-miniature-barong-barong/

Napapanahon umano ang naturang artwork lalo't nagsimula na ang Simbang Gabi na isa sa mga tradisyon ng mga Pilipino bago sumapit ang Araw ng Pasko.

May be an image of one or more people, people standing and text that says 'PICTURE PICTURE'
Hanna Kaye Morales (Larawan mula sa FB)

Talagang may dugong artist si Morales dahil kahit noong nasa hayskul pa lamang siya ay kakikitaan na siya ng husay pagdating sa paggawa ng mga artworks. Sumasali pa siya sa mga cosplay contest na ginaganap na sa kaniyang dating paaralan, ang School of St. Anthony sa Quezon City.