Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, Astronomical Services Administration (PAGASA), lumabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang Bagyong Odette, ang ika-15 bagyo na pumasok sa bansa ngayong taon.

Sa isang Facebook post, sinabi ng PAGASA na alas-12:40 ng hapon lumabas ng PAR si Odette.

Batay sa 36-hour forecast ng PAGASA na inilabas alas-11 ngayong umaga ng Sabado, inaasahang magpapatuloy ang sama ng panahon sa hilagang-kanluran ng Pagasa Island, Kalayaan sa Palawan.

Sa forecast period, nakikitang mananatili ang bagyo sa typhoon category na may maximum sustained winds na aabot sa 120 kilometers per hour (kph).

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Pumasok nitong Martes, Dis. 17, ang Bagyong Odette at nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lugar sa Visayas at Mindanao.

Charlie Mae Abarca