Nagpasa ng resolusyon nitong Biyernes, Disyembre. 17, ang Sangguniang Lungsod ng Maynila na naglalaan ng P2.5 milyon na tulong sa mga lugar na apektado ng Bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.

“Kahapon po, nakatanggap po tayo ng sulat galing sa ating pinakamamahal na alkalde na humihiling sa atin na magkaroon po sana tayo ng special session para tulungan po natin ang ating mga kababayan sa Visayas at Mindanao na lubusang nasalanta ng bagyong Odette,” sabi ni Manila Vice Mayor Honey Lacuna.

Umapela si Mayor Francisco “Isko Moreno” nitong Biyernes sa Konseho ng Lungsod ng Maynila na magpasa ng isang resolusyon na naglalaan ng pondo sa mga relief operations.

“Kami po ay nakikiramay sa ating mga kababayang lubusan po talagang nasalanta ng napakalakas ng bagyong Odette. Sana po ay makabangon po tayo sa nagyaring ito lalo na po at palapit na ang kapaskuhan. Sana po ay lakasan po natin nag ating mga loob. Tanggapin niyo po ang aming maliit na tulong ng ating pamahalaan ng Maynila,” ani Lacuna.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Naglalaan ang pamahalaang lungsod ng P1 milyon sa mga residenteng apektado ng bagyo sa Cebu habang ang mga lalawigan ng Bohol, Leyte, at Surigao del Norte ay bibigyan ng tig-P500,000, sabi ng bise-alkalde.

“Marami po tayong pinapadalhang tulong pag ganito pong klase ng mga sakuna. Hindi na po ito bago sa Lungsod ng Maynila na magbigay ng tulong sa atin pong mga kababayan,” ani Lacuna.

Nauna nang nanawagan si Domagoso sa Manilenyos na magsagawa ng fund drive para sa mga biktima ng Bagyong Odette.

Hinimok din niya ang mga lokal negosyante at mga vonlunteer groups na sumusuporta sa kanyang presidential bid na i-set up ang “Tulong Manilenyo sa mga Nasalanta ni Odette” bilang isang fund-raising activity para sa mga biktima ng bagyo.

Jaleen Ramos