Pinuri ni Angel Locsin at tinawag na 'servant leader' si presidential aspirant Vice President Leni Robredo dahil sa pagiging hands on nito sa pag-aasikaso sa relief operation ng Leni-Kiko Volunteer Office para sa mga nasalanta ng bagyong Odette sa Kabisayaan.
Nagsadya kasi si Angel sa tanggapan ng pangalawang pangulo upang personal na ipaabot ang kaniyang tulong para sa mga biktima ng bagyo, lalo't malapit na ang Pasok. Hindi na umano niya naabutan si VP Leni dahil nagtungo na umano ito sa mga apektadong lugar. Tumutulong din ang kaniyang mga kasamahan na tatakbo sa pagka-senador.
BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/12/18/angel-locsin-nagpahatid-ng-tulong-sa-mga-nasalanta-ni-odette/
"When I entered the building, I saw VPs senate slate working. Madam VP left earlier to visit affected sites. Sinantabi muna ang kampanya para makatulong. We need more servant leaders like her," papuri ni Angel.
Pinuri din niya ang call for donation ng Leni-Kiko Volunteer Center, na tinawag niyang 'trustworthy organization'.
"Hi guys! For those who want to help and are looking for a trustworthy organization na maipapaabot talaga sa mga tao ang tulong."
"After I saw this artcard online, I went to the Leni-Kiko Volunteer office to personally extend help for our kababayan’s who are affected by the typhoon #Odette. Of course, nag-observe muna ako. They converted their campaign area into a hard-working relief operation hub."
"The place have areas for receiving donations, repacking, storing goods, and communication center for those who needed rescuing, relief and also to find loved ones. They don’t want to receive donations na hindi nakapangalan sa foundation so alam mong accounted kung saan mapupunta ang donasyon mo."
Samantala, sa mismong Facebook page ni VP Leni ay ipinakita nila ang kanilang agarang aksyon sa pagsasagawa ng kanilang relief operation sa mga naapektuhang lalawigan sa Visayas.
Maging ang mga boluntaryo ng iba pang presidential at vice presidential candidates gaya nina Bongbong Marcos-Sara Duterte, Manny Pacquiao-Lito Atienza, Isko Moreno-Doc Willie Ong, Ping Lacson-Tito Sotto, at Leody De Guzman-Walden Bello ay nagsasagawa na rin ng pagkilos upang magpaabot ng pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette.