Pinatunayan ng 'real-life Darna' na si Angel Locsin na handa siyang magbigay ng kaniyang tulong sa mga kababayan sa panahon ng mahigpit na pangangailangan.
Sa paghagupit ng bagyong Odette sa Kabisayaan ay nakipag-ugnayan siya sa Leni-Kiko Volunteer Office upang magpaabot ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng super typhoon.
"Hi guys! For those who want to help and are looking for a trustworthy organization na maipapaabot talaga sa mga tao ang tulong, after I saw this artcard online, I went to the Leni-Kiko Volunteer office to personally extend help for our kababayan’s who are affected by the typhoon #Odette," ayon kay Angel sa kaniyang Facebook post.
"Of course, nag-observe muna ako. They converted their campaign area into a hard-working relief operation hub. The place (has) areas for receiving donations, repacking, storing goods, and (a) communication center for those who needed rescuing, relief and also to find loved ones."
Pinapurihan naman ni Angel si presidential aspirant Vice President Leni Robredo sa pagiging hands on nito sa pagtulong sa mga naapektuhan ng bagyo.
"They don’t want to receive donations na hindi nakapangalan sa foundation so alam mong accounted kung saan mapupunta ang donasyon mo. When I entered the building, I saw VP’s senate slate working. Madam VP left earlier to visit affected sites. Sinantabi muna ang kampanya para makatulong. We need more servant leaders like her."
"You may also donate to Philippine Red Cross. Subok na rin natin pagtulong sa ano mang sakuna. Praying for everyone’s safety."