Dahil sa puspusang pagtugon ng Las Piñas City government laban sa pandemya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), bumaba na sa 12 ang aktibong kaso ng sakit sa lungsod.
Sa datos ng Las Piñas City Health Office (LPCHO), walang naitalang karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Disyembre 17, kaya nananatili pa rin sa 29,673 ang kumpirmadong kaso sa pagkahawa ng sakit sa siyudad.
Sa nabanggit na bilang ng kaso, aabot sa 28,952 ang nakarekober o gumaling na, at 709 naman ang namatay.
Idinagdag pa ng LPCHO na sa kasalukuyan ay umakyat na sa 12 na barangay sa lungsod ang walang naitatalang kaso ng sakit.
Bella Gamotea