Pinangalanan na ng Judicial and Bar Council (JBC) ang walong nominado para sa isang Supreme Court (SC)  associate justice post na mababakante sa Enero 9, 20211 dahil sa pagreretiro ni Associate Justice Rosmari D. Carandang.

Ang mga nominado ay sina Michael G. Aguinaldo, chair of the Commission on Audit; Court of Appeals Associate Justice Apolinario D. Bruselas Jr.; Sandiganbayan Presiding Justice Amparo M. Cabotaje Tang; CA Associate Justice Ramon A. Cruz; Sandiganbayan Associate Justice Geraldine Faith A. Econg; Commissioner Antonio T. Kho Jr. ng Commission on Elections; CA Associate Justice Maria Filomena D. Singh; at Deputy Court Administrator and Officer-in-Charge Raul B. Villanueva ng Office of the Court Administrator.

Isinumite ng JBC ang listahan ng mga nominado kay Pangulong Duterte noong Disyembre 17.

Sa ilalim ng Konstitusyon, mayroong 90 na araw si Pangulong Duterte para italaga ang kapalit ni Carandang mula sa listahan ng mga nominado na isinumite ng JBC-- ang konstitusyonal na opisina na tumatanggap, nagsasala, at nagmumungkahi ng mga appointment sa hudikatura.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa Mayo 14, 2022, magkakaroon muli ng bakante sa 15-member SC dahil sa pagreretiro ni Senior Associate Justice Estela M. Perlas Bernabe.

Ang JBC ay pinangungunahan ni Chief Justice Alexander G. Gesmundo.