Umaabot na lamang sa mahigit 9,000 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, matapos na makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 291 bagong kaso ng sakit at mahigit 500 recoveries, nitong Sabado, Disyembre 18.

Mas mababa ito kumpara sa 582 bagong kaso ng COVID-19 na naitala sa Pilipinas noong Biyernes, Disyembre 17.

Batay sa DOH case bulletin #644, nabatid na sa ngayon, ang total COVID-19 cases sa bansa ay nasa 2,837,555 na.

Sa naturang kabuuang bilang, 0.3% na lamang naman o 9,924 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.

National

Alice Guo at iba pa, posibleng makasuhan ng 62 counts of money laundering

Sa mga active cases naman, 3,854 ang mild cases, 3,388 ang moderate cases, 1,799 ang severe cases, 501 ang asymptomatic at 382 ang kritikal.

Mayroon din namang 523 mga pasyente pa ang gumaling na rin mula sa sakit, kaya’t sa kabuuan, nasa 2,776,956 na ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 97.9% ng total cases.

Nakapagtala rin naman ang DOH ng 106 pasyente na namatay sa sakit.

Sa kabuuan, nasa 50,675 na ang COVID-19 deaths sa bansa o 1.79% ng total cases.

Mary Ann Santiago