CAMP G. NAKAR, Lucena City, Quezon - Nakumpiska ng mga awtoridad ang mahigit sa ₱13 milyong halaga ng iligal na droga sa dalawang inilatag na buy-bust operation sa Barangay Gulang-Gulang ng naturang lungsod, nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ni Quezon Police Provincial director Col. Jose Villanueva ang dalawang suspek na sina Mark James Cerdan, alyas "Mokong," 27, at Toshimaru Dano, alyas Toshi, 29, kapwa taga-nasabing lugar.

Si Cerdan ay tinaguriang high-value target habang si Danoay nasa listahan bilang bagongdrug personality sa lungsod.

Anang opisyal, sina Cerdan at Dano ay inaresto ng mga tauhan ng Provincial Drug Enforcement Unit, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)4A-Quezon group, at Lucena City police intelligence unit matapos bentahan ng iligal na droga ang mga pulis.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nasamsam sa dalawa ang 17 na sachet ng shabu na nagkakahalaga ng₱13, 066,200.00, at drug paraphernalias.

Danny Estacio