Umapela sa publiko si Philippine Red Cross (PRC) Chairman and Chief Executive Officer (CEO) Senator Richard Gordon nitong Biyernes, Dis. 17, na magdonate para sa mga apektadong komunidad sa Viasayas at Mindanao kasunod ng pananalasa ng Bagyong “Odette.”

Malaking pinsala ang iniwan ng bagyo sa maraming bahagi ng bansa sa pananalasa nito noong Huwebes, Dis. 16, sabi ng PRC.

Larawan mula PH Red Cross

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Our volunteers and staff have been working non stop to assess and respond swiftly to the damages on the ground. Since yesterday, we have deployed food trucks, and set up evacuation sites for thousands of affected individuals,”sabi ni Gordon.

As the auxiliary of the government, our role is to prioritize our responses to those who are most affected by the typhoon to be able to reach out to more affected communities,” dagdag niya.

Habang nanawagan ang PRC para sa mga donasyon, kasalukuyan itong naghahanda ng mga rescue equipment, medical tents, kulambo, sleeping kits, food packs at iba pang relief items upang agad na ipadala sa mga apektadong lugar.

Dhel Nazario