Ipinagpatuloy na ang lahat ng biyahe sa karagatan mula sa Matnog port sa Sorsogon patungo ng Northern Samar matapos na unang ipagpaliban kasunod ng pananalasa ng Bagyong Odette, anunsyo ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Biyernes, Dis. 17.
Gayunpaman, nilinaw ni PCG Spokesperson Commodore Armand Balilo na nananatiling suspendido ang mga biyaheng dadaan sa rutang Bogo, Cebu.
“As of 11 a.m. [Friday], all trips from Matnog Port bound for Northern Samar except Bogo, Cebu route have resumed,”ani Balilo sa midya.
Bago ito, nakapagtala ang PCG ng kabuuang 4,741 na pasahero, drayber, carho helper na kasalukuyang na-stranded sa ibat ibang daungan sa buong bansa sa gitna ng paghagupit ni Odette.
Ayon sa weather advisory na inilabas ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) bago magtanghali nitong Biyernes, patuloy na dumaan si Odette sa Sulu Sea habang papalapit ito sa Palawan.
Faith Argosino