Bibisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang iba’t ibang lugar na naapektuhan ng Bagyong Odette ngayong weekend.

Ang mismong Pangulo ang nagpahayag ng plano nitong Biyernes ng gabi, Dis. 17 sa isang virtual briefing sa Palayso kaugnay ng pananalasa ng bagyo kasama ang kanyang disaster-mitigation officials.

“I’m flying tomorrow (Sabado to the area [Siargao]. Also, I would hit, maybe Leyte, Surigao, and there’s enough time, Bohol. Then day (Sunday) after I would try to visit Cebu then dito sa eastern side of the islands– Bacolod, Iloilo,” ani Duterte.

“I’m not so much worried about damage to structures, infrastructures of government. Ang takot ko is maraming namatay,” sabi ng Pangulo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang Siargao ay kabilang sa mga unang lalawigan sa timog ng bansa na pinuntirya ng Bagyong Odette nitong Huwebes, Dis. 16.

Ellson Quismorio