Sa isang pahayag ng Miss Universe Philippines, inanunsyo nitong apektado maging ang pamilya ng Miss Universe 2021 Top 5 finisher Beatrice Luigi Gomez nang manalasa ang #BagyongOdette sa Cebu.

Dahil dito, kanselado ang lahat ng media invitations ni Bea upang pagtuunan muna ng pansin ang kalagayan ng kanyang pamilya at ibuhos ngayon ang atensyon sa paglikom ng pondo para sa mga apektadong lugar sa Visayas at Mindanao.

“We know that many of our media friends want to congratulate and celebrate Bea’s Miss Universe Top 5 placement. However, we will be postponing any interviews in the meantime,” pahayag ng MUP sa kanilang Facebook page.

“According to Bea, her family was trapped in their home during the typhoon and damaged the apartment building,” dagdag ng pahayag.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Gayunpaman, ligtas umano ang pamilya ni Bea at tatapusin lang nito ang kanyang quarantine at agad na tutungo ng Cebu.

Umapela ang MUPh sa publiko na tumugon ngayon sa mga relief efforts na ilulunsad ng organisasyon para sa mga nasalanta ng bagyo.