Nasa West Philippine Sea (WPS) na ang bagyong 'Odette' na may international name na "Rai" matapos humagupit ng siyam na beses sa bansa.

Ito ang abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) at sinabing huling namataan ang bagyo sa coastal waters ng San Vicente, Palawan, o 85 kilometro ng hilagang Puerto Princesa City.

Nilinaw ng PAGASA na humina pa ang bagyo at taglay na lamang nito ang hanging 150 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at bugso nitong hanggang 205 kph.

Dahil naman sa patuloy na nararamdaman epekto ng bagyo, nakataas pa rin ang Signal No. 3 sa northern portion ng Palawan, kabilang ang Kalayaan Islands.

Probinsya

9-anyos na bata, patay matapos makuryente ng tinatayang 20 minuto

Nananatili naman sa Signal No.2 ang central portion ng Palawan, kabilang ang Calamian, Cuyo, at Cagayancillo Islands, at  Signal No. 1 naman ang natitirang bahagi ng Palawan.

Sa pagtaya pa ng PAGASA, posibleng lumabas ng Philippine area of responsibility ang bagyo sa pagitan ng Sabado ng umaga at hapon.

Ellalyn De Vera-Ruiz