Nanawagan sa gobyerno ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) na imbestigahanan ang kamakailang cyber-attacks laban sa mga website ng mga media outlet sa bansa.

Inilabas ang pahayag matapos ang kamakailang pag-atake ng Distributed Denial of Service (DDoS) laban sa website na Rappler at VERA Files.

Ang DDos attack ay isang “malicious attempt” na guluhin ang normal traffic sa isang web property upang ganap na patigilan ang network o pabagalin ito.

“These attacks are happening as we near the elections – when vetted information will be crucial in addressing disinformation, misinformation, and political rhetoric – is the most concerning of all,”sabi ng NUJP sa isang pahayag nitong Biyernes, Dis. 17.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Idiniin ng organisasyon na ang kamakailang pag-atake laban sa mga website ay nangyari sa gitna ng “kagyat na pangangailangan para sa impormasyon habang ang Pilipinas ay naghahanda para sa Bagyong Odette.

Samantala, sinabi ng NUJP na ““despite the attacks being traced”sa isang Internet Protocol (IP) address ng Department of Science and Technology (DOST) at ng Armed Forces of the Philippines (AFP), ang mga pormal na kahilingan para sa pagsisiyasat ay “natugunan ng mga pagtanggi at kaunting aksyon.”

Sinabi ng organisasyon na patuloy silang mananawagan sa mga ahensya ng gobyerno na “imbestigahan at itigil ang mga pag-atakeng ito” habang ang buong NUJP ay “handang makipag-ugnayan upang matunton at mapanagot ang nasa likod ng mga pag-atake.”

Charlie Mae Abarca